^

Para Malibang

Zombie Family (30)

Gilda Olvidado - Pang-masa

MAY ipinagtataka lang si Herman sa zombieng si Dodong. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli o napapatay.

Sa sarili pa rin siya nagtatanong dahil wala naman siyang mapagsabihan.

Bakit kaya kahit hindi bilog ang buwan ay paga­la-gala itong si Dodong? Naglalakad, gustong pumatay hindi nga lang nakakatiyempo?

Ibig bang sabihin hindi pare-pareho ang mga zombies? Sina Marga kada kabilugan ng buwan lang lumalabas para kumain ng tao?”

Pero itong si Dodong kahit anong gabi na gugustuhin, makakalabas?

Mas delikado ‘yon. Puwedeng magbago rin ang nakakasanayan nina Marga. Puwede na rin silang gumala at magutom kahit anong gabi, kahit hindi kabilugan ng buwan.

Kapag nagkakaganito na, mahirap nang kontrolin ang mga zombies. Marami na silang makakakagat o mapapatay.

Kailangan ko silang masilip sa kuweba.

Agad nagbalik sa kuweba sa maliblib na lugar si Herman.

Tahimik na tahimik pa rin sa loob. Nakapasok siya, naitulak niya ang pinto na ni walang kaluskos pa rin sa loob ng kuweba.

Dahil araw, may nakakalusot na liwanag mula sa labas.

At nakahinga nang maluwag si Herman dahil nakikita niyang mga tulog pa ang mga zombies.

Walang galaw, walang paghinga.

Salamat sa Diyos. Pero hindi ako dapat makampante. Kailangang kahit hindi pa kabilugan ng buwan, magra-random checking ako dito. Ang pattern nila ngayon ay maaring biglang magbago. Maaring matulad sila kay Dodong na kahit anong gabi ay nagigising, nakakagala, at sigurado akong papatay pa rin sila ng tao.

Nang malapitan na niya sina Marga ay para itong mga bampira na  tulog na tulog dahil hindi pa oras ng paggising.

May pumasok sa isip ni Herman. “Paano kaya kung bibili ako ng mga posas, ipoposas ko sa kanila. Hindi na sila makakapanakit ng tao.”

“Puwede naman. Pero sana hindi masyadong ma­galit si Marga at mas magiging mabangis kaysa ngayon.”

May takot na nakamasid si Herman kay Marga.

Hindi humihinga, nakapikit ang mga mata. Para makasigurado ay dahan-dahang yumuko si Herman, itinapat ang teynga sa dibdib ni Marga. Masusuri na niya kung buhay ba ito, ayaw lang kumibo.

Nang ang mukha ni Herman ay marahan nang nakasubsob  sa dibdib ni Marga, bigla na lang bumukas ang mga mata ng zombie, nandidilat, galit.- ITUTULOY

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with