Zombie Family (33)
NAKAPALIGO na si Herman. Kasama si Laurice at mga anak, nagdi-dinner sila. Masaya ang kanyang unang pamilya.
Pero ramdam pa rin ang takot ng mag-iina.
“Daddy, hindi po kaya tayo pupuntahan ng mga zombies?”
Nagkatinginan sina Herman at Laurice.
Dahil wala namang alam ang mga anak nila tungkol kina Marga at mga anak sa labas.
“Saan naman ninyo nalaman na nanganganib kayo?”
“Sabi po kasi ng mga friends namin dito sa village natin, galit daw sa atin ang mga zombies. Bakit po?”
“Naku, mga anak … binibiro lang kayo. Magdasal na lang. Huwag maniwala, ha?”
“Opo.”
Nag-usap ng sarilinan ang mag-asawa.
“May mga makakating dila rito sa village natin. Kahit pa edukada sila, mahilig pa rin sa tsismis.”
“Totoo naman kasi ang tsismis, Laurice. Kasalanan ko.”
“Pero huwag nating sabihin sa mga bata. Takot din naman ako. Pero iingatan na lamang natin sila. Ayokong masira ang pagtingin nila sa iyo.”
“Salamat, Laurice. Ang laki na ng kasalanan ko, pinuprotektahan mo pa rin ako sa mga mata ng anak natin.”
“So … ikuwento mo na sa akin ang lahat. Saan ka ba nanggaling? Bakit ka ba nawala? Akala ko, sinaktan ka na ni Marga.”
“Naligaw lang ako sa paghahanap sa kanila. Nahulog ako sa maliit na bangin at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Kaya nakatulog pala ako, nawalan ng malay … hindi ko nalaman.”
Tinitigan nang husto ni Laurice ang asawa.
Binabasa ang mga mata nito.
Nakaramdam na hindi nagsabi ng totoo si Herman.
Pero hindi naman madiretso si Herman. “Sige, may tiwala ako sa iyo. Whatever you say, iyon ang paniniwalaan ko.”
Na-guilty lalo si Herman. Pero hindi niya maaring sabihin kay Laurice na alam niya kung nasaan ang pangalawang pamilya.
Sa takot na baka kapag nakialam ang mga pulis, dahil nga may mga napatay na sina Marga, baka papatayin din ang mga ito.
Dahil mapanganib. Mga zombies na wala na sa tamang isip. At kumakain, matakaw … sa laman ng tao.
Itutuloy
- Latest