Penis Festival Pinagkakaguluhan!
(Philstar.com) - March 20, 2019 - 12:00am

Libu-libong tao ang du­marayo sa Japan para i-celebrate ang isa sa pina­kamalaking pista rito, ang Penis Festival, kung saan makikita ang iba’t ibang kulay ng ari ng lala­ki, stuffed toy, mascot, at pagkain na kahugis nito, malaki man o maliit.

Ang Penis Festival ay kilala rin sa tawag na Honen-sai. Kada-taon tuwing buwan ng Marso, nagtitipun-tipon ang mga turista at residente sa North Nagoya para mapanood ang parade ng naglalakihang rebulto ng penis.

Ang mga lalaki na may edad na 25, 42, at 61 ang ikinokonsidera nilang ‘unlucky age’ ang magbubuhat ng dalawang metrong penis na inukit sa Japanese cypress kung saan i-o-offer nila ito sa shrine na may kasamang dasal para sa magandang ani at ferti­lity para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kung sino ang may pinakamabigat na hawak na penis carved na aabot sa 400kg at may kapal na 100cm ay sinasabing iyon daw ang maaaring matupad ang hiling.

Ang orihinal daw na estatwa ng rebulto na ito ay maliit lamang daw, pero dahil sa pagbabago, lumaki na rin ito ng lumaki sa paglipas ng panahon.

Ang mga masusu­werteng bisita ay puwedeng makahalik sa dulo ng wooden penis. Hindi lamang giant penis ang makikita sa parade, kung hindi bawat kalye ay punung-puno ng palamu­ting penis.

PENIS FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with