^

Para Malibang

Zombie Family (32)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAKINI-KINITA ni Herman ang marami pang mamamatay dahil sa kanyang zombies na ikalawang pamilya.

Nakita na niya kung gaano kabangis ang tatlo kapag pumapatay at kumakain.

Hindi makaya ng kanyang kunsensya. Na dahil nagkamali silang dalawa ni Marga, pati mga anak nila ay mamamatay-zombies  na rin.

“Parang wala akong choice … parang wala akong choice …” Naluluha ang ama ng tahanan.

Kahit sobrang mahal niya si Laurice, hindi puwedeng bale-walain niya si Marga dahil may mga anak sila na mahal na mahal din niya.

Isa pa nga, hindi na dapat madagdagan ang mga biktima.

Nag-isip pa rin nang matagal si Herman. May nabuo nang disisyon pero pinag-aaralan pa rin nang husto.

Kita niyang tulog na tulog pa rin dito sa kuweba sina Marga. Payapa.

May nakitang singit na malalagusan si Herman, kita niya dahil maliwanag na sa labas.

Plano niyang bumalik sa pamilyang una.

MAY mga pulis pa rin sa bahay nila nang dumating si Herman. Kagulo ang lahat.

Yumakap kaagad kay Herman si Laurice at dalawa nilang anak.

Iyak nang iyak si Laurice. Halu-halo ang mga emosyon. Takot, tuwa, kaba, pagtataka.

“Ano ba ang nangyari sa iyo, mahal? Akala ko … akala ko …

“I’m fine, mahal.”

“Ang baho-baho mo, mahal. Parang nangga­ling ka sa … may amoy na patay.   “Napatakbo ako nang malapit na si Marga. At nahulog ako sa imburnal, mahal.”

“Alam kong hindi makapaghintay ang mga reporters na matanong ka, malinawan nila ang nangyari sa iyo. Pero unahin mo muna ang paglinis ng katawan mo, pagpalit ng damit. Halika, habang naliligo ka, ihahanda ko ang isusuot mo.”

“Sige, mahal. Sa­lamat.” Tiningnan pa siya with curiousity ng tunay na asawa. “Are you sure na nakatakbo ka kay Marga, Herman?”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with