Disneyland, maraming nagmumulto?!
MRYOSO (Pang-masa) - March 17, 2019 - 12:00am

Alam naman nating lahat na ang Disneyland ay lugar para sa mga bata at mga matatanda na child at heart, pero sino ang mag-aakala na sa likod ng masaya at magical na lugar na ito ay marami palang nakabalot na kababalaghan dito?

Napakarami nang kuwentong katatakutan ang umikot tungkol sa Disneyland, isa na rito ang Haunted Mansion. Taong 1960’s daw, habang ito ay ginagawa pa lamang, isa sa mga sound designer nito ang nasa ­‘Séance Room’ nang bigla raw itong makarinig ng tugtog na mula sa likod ng dingding, inakala niyang isa itong radyo pero wala raw siyang naririnig na advertisements or nag-uusap. Ilang araw niya rin daw itong napakinggan.

Ang isa namang kuwento ay tungkol sa spell book na naka-display sa harap ng Séance Circle, ito raw ay totoong spell book mula kay Walt Disney na ginagamit noong 1940’s, tuwing umaga raw ay madalas itong makita na wala sa orihinal na puwesto at nakalapag na lang sa kung saan-saan.

Meron pang isang kuwento na tungkol naman sa isang batang lalaking namatay kung saan isinaboy ng kanyang nanay ang abo nito sa loob ng Haunted Mansion, dahil ang huling hiling daw nito ay maging isa sa multo sa nasabing atraksyon.

Lumipas ang maraming taon, marami ang nagre-report na may nakikita raw silang bata sa tabi ng exit nito na iyak ng iyak. Marahil ay ito raw ang batang lalaking may ari ng abo, na mukhang nagsisisi na sa kanyang huling hiling.

DISNEYLAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with