Zombie Family (29)
Gilda Olividado (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

NAKITA na ni Herman nang kumain ng tao ang kanyang mga anak pero ngayon kahit mga malalaking daga ang ipinapakain sa mga ito ni Marga, halos ikababaliw pa rin niya.

Napahagulhol siya kahit pa lalaki siya. Dahil sa awa sa dalawang bata.

“Bakit kayo nagkakaganito? Kasalanan ko ito! Parusa ito sa akin!”

NASA simbahan si Laurice, nagdadasal at nakikiusap sa Diyos.

“Patawarin N’yo na sana si Marga, pati ang asawa ko. Mali ang kanilang nagawa pero ang mga bata, wala naman hong kasalanan. Dapat masaya sila nga­yong nabubuhay, nag-aaral, nagsi-celfone, namamasyal, nagsisimba. Pero ngayon, iba ang ginagawa nila … kumakain ng tao. At ang asawa ko ho, sana ibalik N’yo na … may mga anak kami … kailangan siya.”

NAKATAPOS nang kumain ang dalawang bata. Nakabawi na rin sa pagkabigla si Herman.

Nakita niyang tahimik na lang ngayon ang dalawang bata, mukhang kuntento sa kabusugan, nakasandal na lang sa malaking bato sa loob ng kuweba.

Pati si Marga  ay mukha ring tahimik. Umupo ito sa tabi niya.

Napansin din ni Herman na hindi na masyadong kumikiwal-kiwal ang dila ng mag-iinang zombie.

Umungol si Marga, parang nag-i-instruct sa dalawang bata. Pinagmamasdan sila ni Herman, pinakikiramdaman.

Nagulat na lang si Herman nang nawala na ang dila ng mga anak, pati ni Marga. Ipinasok ng mga ito sa loob ng bibig.

Kahit papaano, mga sunog man, hindi na masyadong nakakatakot ang itsura ng kanyang pangalawang pamilya.

“Inayos mo sila kahit papaano, kaya mo palang ayusin kahit papaano ang sitwasyon ninyo, Marga?”

“Ibig bang sabihin nito, habang magkakasama tayo, hindi kayo papatay? Hindi kayo kakain ng tao?”

Sunud-sunod na tumango ang zombie Marga.

At napansin ni Herman ngayon lang, hindi na rin gaanong dilat ang mga mata ni Marga at dalawang bata.

“May … may magandang epekto na kasama ninyo ako? Pati mga anak natin, Marga ay inuutusan mong maging mapayapa kahit … mga daga lang ang kinain?”

Sunod-sunod din uli ang pagtango ni Marga.

“At ikaw … ano ang kinain mo at napayapa ka nang ganyan? Mga daga rin ba?”

Ngumisi si Marga. Sa itsura nito, nabasa ni Herman ang sagot. SEX. -  ITUTULOY

 

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with