Cancer na nakukuha sa loob ng bahay
(Pang-masa) - March 15, 2019 - 12:00am

Hindi na kailangan lumayo pa upang makalanghap ng bacteria o sakit sa ibang tao. Ang nakalulungkot kahit sa loob ng bahay ay maraming bagay na puwedeng pagsimulan ng cancer.

Ayon sa mga toxicology experts ang mga items na tulad ng mga simpleng appliances na couch, carpet, kurtina, o ibang gamit sa bahay na hindi alam ng marami na maaaring pagmulan ng sakit o kanser. 

Akalain ba ang paboritong sofa ay puwedeng maging dahilan ng panganib ng kamatayan ng miyembro ng pamilya. Imagine maraming mattress o ibang cushioned furniture ay mataas ang carcinogen na ginagamit para sa apoy at ibang chemicals na madalas makita rin sa alikabok ng sopa. Kaya kailangang laging magpalit ng sopa o cushioned furniture na puwedeng i-check ang furniture levels. Pati ang carpet o kurtina na ang materyales na madaling makapitan ng mga usok ng sigarilyo na nalalanghap ng pamilya Ang third-hand smoke ay mapanganib na higit sa kalusugan ng sinoman. Lalo na ang mga  cleaning products at cosmetics na ginagamit sa loob ng bahay na panghugas ng pinggan, fabrics softeners na naaamoy at nalalanghap ng miyembro ng pamilya.

Siguraduhin na magkaroon ng tamang ventilation sa loob ng bahay. Para hindi nakukulog ang singaw o amoy minsan ng gas. I-check din ang mga cleaning products na dapat ay mga chemical-free na ginagamit sa tahanan.

BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with