Financial Security
(Pang-masa) - February 25, 2019 - 12:00am

Hindi makakaipon nang totoong kayama­nan kung patuloy na binabayaran ang malaking interest kaysa sa kinikita mula sa iyong sahod. Kung gustong baguhin ang ganitong sitwasyon ay kailangang magkaroon ng hakbang kung paano makakaahon sa iyong mga pinagkakautangan.

Dapat ay magkaroon ng kongkretong plano kung paano mababayaran ang mga nakalinyang utang. Kung naka-set up ang budget ay saka pa lamang makikita ang mga extra na pera na puwedeng i-apply sa mga susunod na utang sa iyong listahan.

Kapag malaya na sa utang ay saka pa lamang magkakaroon ng sapat na pera upang magkaroon ng financial security.

Ang problema may kapos na nga ang sahod, nagagawa pang mangutang nang sabay-sabay. Hindi masamang mangutang basta kaya itong i-manage. Ang masaklap ay sinasabay-sabay rin ang pag-loan sa kabi-kabilang diretsong kung kaya talagang  hindi makaalis sa lugmok na sitwasyon. Kung walang pera, kailangang matuto munang mamuloktot na makuntento hanggang makaipon saka bilhin ang gustong items o bagay.

FINANCIAL SECURITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with