Walking Billboard
(Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

Payo ng mga financial expert na mag-ipon, mag-save, at magtipid. Pero kalimitan ang plano sa financial goals ay kaila­ngang systematic ang investment. Laging magtabi para sa emergency fund na ihiwalay ang account.

Upang hindi kaila­ngang maubos ang lahat ng pera mula sa savings at investment kapag duma­ting ang hindi inaasahang major na gastusin.

Siguraduhin na at least ang kalahati ng savings ay lakihan. Tingnan ang sariling savings na maging option na tiyakin na magkaroon na best na paraan na maibabalik ang investment. Magbukas ng savings account na mayroong good rates. Isipin din ang retirement fund para sa hinaharap.

 I-work out ang savings imbes na pakinggan ang sinasabing “treat yourself” na philosophy na tiyak na magtutulak sa iyo na mabaon sa utang o sa mga hindi inaasahang liabilities.

Huwag maging walking billboard na overprice ang designer na damit, sapatos, sunglasses, alahas, bag, at ibang gamit. Hindi masama na bumili ng mga items na kailangan, pero huwag naman maluho. Kundi ilaan ang pera sa mas makabuluhang bagay gaya ng pagbabayad sa monthly mortization o hinuhulugang kotse.

FINANCIAL EXPERT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with