Zombie Family (06)
Gilda Olividado (Pang-masa) - February 21, 2019 - 12:00am

DUMAAN ang isang linggo na hindi pa rin nakikita ang tatlong bangkay. Paboritong tanong ng mga diyaryo ang nangyayari.

Iba-ibang palagay.

May mga lumalabas pang witnesses.

“May nakita ho talaga akong sasakyan, isinakay doon ang mga bangkay!”

“Anong klaseng sasakyan, Miss?”

“Malaki ho. Kulay blue.”

“Teka, noong narinig kita kaninang ini-interview ng reporter ng ibang publikasyon, pula ang sinabi mo.”

“Pula? Iyon ba ang sinabi ko?”

Napakunot-noo ang kausap na reporter. “Nakalimutan  mo?”

“Parang blue kasi ang sinabi ko, e.”

“So … blue?”

“Oo. Blue.”

Ito ang ikinaaaburido ni Herman. Dahil sa raming nakikisawsaw, wala man lang makitang magandang lead ang pulisya.

“Laurice, may line-up na naman ngayon ng mga suspects. Ilang line-up na ‘yan pero walang nangyayari. Nasaan na kaya ang mga anak ko? Si Marga?”

“Herman, huwag kang mawalan ng pag-asang makikita sila. Kung ano man ang intensiyon ng mga kumuha sa kanila, bahala na sa kanila ang Diyos. Baka tamaan din ng kunsensya, ibabalik din ang kanyang mga ninakaw.”

“Pero ano na ang state ngayon ng pangalawa kong pamilya, Laurice?”

Hindi makasagot si Laurice. Awang-awa siya sa asawa. Kung mag-i-imagine nga naman sila ngayon ng estado ng mga bangkay nina Marga, nakakapangilabot na.

Nagsisimula nang mabubulok?”

O baka naman inili­bing na nang masama na ang amoy?

Pero puwede ring isang mortician ang ninakaw at inembalsamo ang mg bangkay.

Puwede ring isang mayamang may kabaliwan ang kumuha ng mga bangkay kaya may free­zer para sa mga katawan.

At doon ay wala pang senyales ng pagkakabulok ang tatlong katawan.

Si Laurice ay naikay na rin.

“Diyos ko po, let us fine them para ho mailagay na sila sa maayos. Don’t let my husband suffer kahit may kasalanan siya. Nagsisisi na ho siya.” Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with