^

Para Malibang

Zombie Family (04)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAPAISIP na rin si Herman sa reaksiyon ni Laurice. “A-alam ko na bihirang nangyayari ang buong apartment na tinatamaan ng kidlat at patay lahat. At ... nagkataon pang galit si Marga at kung ano-anong mga masasamang salitang sinasabi sa inyo ... sa mga taong walang iniisip kahit konting masama kina Marga ... pero ... bakit ganyan ka makapagtanong, Laurice?”

“Dahil ... I have some gut feel ... there was a very bad energy na nag-react sa sinabi ni Marga.”

“Kung totoo man ito, mapatawad na lang sana ng Diyos si Marga. Nadala lang siya ng galit. Ng inggit. Hindi lang naman siya ang may kasalanan ng lahat. Ako rin.”

“Okay, Herman. Basta ang gusto ko magpapadasal din tayo sa bahay para sa kaluluwa nina Marga. They deserve that.”

“Salamat sa pagki-care mo, Laurice.”

“Asikasuhin mo na sila sa morge, ha? And then ang kanilang funeral at libing.”

“I will, Laurice. And thank you so much!”

“Kapit-kamay tayo rito, Herman. Walang iwanan. Alam kong nagi-guilty ka. Ipagdadasal na lang natin ang guilt na ‘yan.”

BUMALIK si Herman sa morge.

Nagkakagulo ang mga tao roon. Maraming natatakot.

Kinakabahan naman si Herman. May hinala siyang may kinalaman ang kaguluhan sa kanyang pangalawang pamilya.

“Ano ho ang nangyayari rito? May tatlo akong kapamilya na nandidito. Ang asawa ko at ang dalawang anak namin.”

“Sir, namatay ho ba sila sa sunog?” tanong kaagad ng isang worker sa morge.

“Oo. May problema ba?”

“Meron, Sir. Nawawala ho sila, e.”

“Ha? Seryoso ba ‘yan?”

“Yes, Sir. Seryosong-seryoso po. Nawawala po ang tatlong bangkay. Isang matured na babae, ang ina. Dalawang anak, edad 5 at 7.”

Kinilabutan si Herman. Tayong-tayo ang mga balahibo niya. Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with