^

Para Malibang

Zombie Family (03)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAPATAY ng mga bombero ang apoy sa apartment nina Marga.

Pero natagpuan din ang tatlong bangkay. Kay Marga. At sa mga anak niya na sina Donnie at Baby.

At nalaman na ni Herman ang trahedya.

Napaiyak siya sa mga bangkay.

“Margaaaa! Donnieee! Baby, anak kooo!”

“Sir, pamilya n’yo sila?”

“Oo! Pamilya ko sila! Pamilya ko rin sila! At ‘di ko akalaing mangyayari sa kanila itooo!”

“Sir, aayusin ho namin sila. Kukunin namin at dadalhin sa morge. Kahit pa ho ganyan ang labi nila, kailangan pa ring maayos.”

“Buo ang kanilang mga katawan pero sunog na sunog! Nakakaawa ang kanilang kamatayan!”

“Condolence, Sir. Ikinalulungkot ho namin.”

Ang mga bangkay ay dinala na nga sa morge.

MAGKAUSAP sina Herman at Laurice.

“I’m really sorry, Herman. Pero ... nakaka­kilabot. Tinamaan ng kidlat ang apartment. I mean ... ngayon lang yata nangyayari ‘yon.”

“Ang natatandaan ko, biglang namatay ang linya niya habang nag-uusap kami sa cell phone. Akala ko, pinatay lang niya ang linya. Mga ganoong oras ... tinamaan pala na sila ng kidlat.”

“Sana maganda ang pinag-usapan ninyo. Hindi kayo nag-away. Hindi siya galit.”

Hindi makasagot si Herman.

“Bakit, Herman? Nag-away ba kayo?”

“Alam mo naman kasi si Marga, masyadong demanding. Ang gusto niya ay ... nasa kanila ako nga­yong Feb. 14. Hindi naman puwede ‘yon. Talagang tradisyon natin ‘yon.”

“Gaano ba ang galit niya? Ano ba ang mga sinabi niya?”  Naging  curious si Laurice.

“Masasama ba ang mga sinabi niya?”

“Grabe. Talagang masasama. Kaya nga nagalit ako, e. Dahil ... ayokong isipin man lang niya ang mga masasama laban sa inyo. Kasi ikaw, maganda ang intensiyon mo sa kanila. Iniisip mo pa ang kapakanan nila. Lagi mo pa nga akong pinaalalahanan ng responsibilidad ko sa kanila.”

Kinabahan nang husto si Laurice. “Tinamaan sila ng kidlat ... sana ... sana naman hindi dahil sa mga pinagsasabi niyang masasama.”

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with