^

Para Malibang

Kaluluwa ni princess diana may babala sa bagong prinsesa?!

MRYOSO - Pang-masa

Ang magkakambal na psychic na sina Terry at Linda Jamison ang nagsasabing dinalaw sila diumano ng kaluluwa ni Princess Diana upang magbigay ng ilang mga babala.

Gusto raw gabayan ng pumanaw na prinsesa ang napangasawa ng anak niyang si Prince Harry na si Meghan Markle.

Sina Terry at Linda ay madalas daw maging medium ng mga kaluluwang gustong maghatid ng mensahe para sa mga buhay. Madalas daw nilang isulat ang mga mensahe ng mga ito sa isang papel upang ibigay sa kanilang mahal sa buhay.

Ayon pa sa kanilang dalawa, sa katatapos lang daw na pagdalaw sa kanila ni Princess Diana, nagbigay daw ito ng babala para kina Prince Harry at Meghan Markle dahil maaaring matulad ang pagsasama ng mga ito sa kanila ni Prince Charles.

“Harry may struggle with monogamy.”

“He is very sensitive and a bit of a rebel. But you two are a joy to see, and many will embrace you and love you,” isa sa mga mensaheng ipinarating ni Princess Diana sa dalawa.

Maaari raw na magloko at mambabae si Prince Harry tulad ng ginawa ng kanyang ama noon.

Habang kasal pa sina Princess Diana at Prince Charles, nambabae ang huli. Nagkaroon siya ng affair kay Camilla Parker Bowles at ito ang naging sanhi ng kanilang paghihiwalay.

Namatay si Princess Diana noon sa Paris, taong 1997 dahil sa isang car crash accident.

vuukle comment

KALULUWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with