^

Para Malibang

Zombie Family (01)

Gilda Olividado - Pang-masa

VALENTINE’S DAY. Day of love, halos lahat ay masaya. Kabi-kabila ang mga nagdi-date. Maraming bulaklak na makikita.

May mga pumupuno sa mga flowers stores.

May mga dala-dala na ng mga girlfriends na nabigyan ng mga nagmamahal sa kanila.

Meron namang dala pa ng mga lalaki kasi ibibigay pa lang sa mga karelasyon.

Pero naiinis si Marga. Wala pa siyang bulaklak ngayon. At hindi matutuloy ang inaasam-asam niyang date sa mismong araw ng mga puso.

Ngayon lang naman siya humiling kay Hernan na hindi sa 13 o 15 ang date nila.

Sawa na siya sa mga ganoong petsa na ibinibigay ni Hernan sa kanya. Dahil nga ang Feb. 14 ay para lang talaga sa tunay nitong pamilya.

Kay Laurice at sa dalawang anak nila.

Siya naman at ang kanyang dalawang anak din na anak din ni Hernan ay dapat na lang bang makuntento sa hindi eksaktong date ng Valentine’s?

Tumunog ang celfone niya.

Alam na niyang si Hernan ito. Ano pa kundi mag-a-apologize.

“Hello!” Ang halos sigaw niyang tahol sa celfone.

“Marga, I’m sorry. Nakukunsensya ako, e. Ayokong kunin ang eksaktong date ng Valentine’s sa tunay kong pamilya.”

“Bakit kami, ano ba tawag mo sa amin mula nang maging kabit mo ako? May mga anak na tayo, pito at limang taon! Halos mga kaedad din ng mga anak mo kay Laurice! Matagal na tayo, Hernan! Kaya para sa akin, legitimate rin kami! Natanggap na nga kami ng Laurice na ‘yan, ‘di ba?”

“Iyon na nga, e. Kaya nagi-guilty ako kapag may kinukuha pa ako sa kanila para maibigay sa inyo. Tulad nitong mga araw ng puso. Dahil napakabuti niyang asawa. Nagtitiis siya sa sakit at kahihiyan na may panga­lawa akong pamilya. Hinahayaan niya ako dalawang araw na nasa inyo. Para sa mga bata. At siguro, para na rin sa iyo. Sana, tanggapin mo na rin lang ang mga limitations ko sa inyo!”

Pero napupuno na ng selos at galit si Marga.

“Nagbabait-baitan lang ‘kamo siya para hindi mo siya tuluyang iwan! Alam mo, wise ‘yang si Laurice, e! Pamartir! Pero hindi niya ako matatalo! Hindi na ako papayag na maging pangalawang pamilya mo lang kami, Hernan!”

“Ano’ng klaseng mga salita ‘yan, Marga? May plano ka bang masama sa una kong pamilya? Kung ano man ‘yan, huwag mo nang ituloy! Mahal na mahal ko sila, Marga!” Kinakabahan si Hernan.

“Sana mamatay na silang lahat, Hernan! Hiling ko kay Satanas na sana mamatay na si Laurice at ang mga anak ninyo!”

Biglang may tumamang kidlat sa buong apartment na kinaroroonan ni Marga at mga anak. (Itutuloy)

 

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with