Multong Bahay (136)
Gilda Olividado (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

NATAHIMIK na lang si Donna. Affected ang kanyang ina, hindi matanggap na muntik na siyang mawala.

“Okay, Ma. Please don’t get upset. And don’t worry about my brother. Matatawid din niya ang journey na ito.”

“Tama, Donna. It’s hard but Don can survive on this. Though … hanggang ngayon talaga, mahirap pa ring maniwala sa multo.”

“It’s a very modern world, Papa. Pero there are still strange things.”

Napatingin na lang uli sila kay Don. Nanonood ito ng TV.

Sports channel. Ang paborito nito.

Pero wala roon ang kanyang atensiyon. Halos blangko ang mga mata.

Kinakausap ang isip. “Almost one year na, Agyana. But I’m not recovering from this. It’s even getting harder, more painful.”

SA BUNDOK, hindi napapansin nina multong buhay at mga magulang ang panahong nagdaan.

Tahimik kasi sila na masaya.

At kasama nila ang mga ninunong kaluluwa. Na lalo pang nakikilala ni Agyana. At napapamahal sa kanya ang mga ito. Pati mga kuwento nila.

“Noong panahon namin, naku … may mga salbaheng kastila. At mga prayle pa, ha?”

“Lolo Dionisio, ano’ng mga kasalbahehang ginagawa nila?”

“Mabuti na lang tiwala na kami sa kabaitan mo, Agyana. Kaya hindi na kami natatakot na magsabi sa iyo ng mga katotohanan.”

“Oo nga. Ang mga taong tumino, nagkakaroon din ng kakaibang maturity. Pang-unawa. Hindi nanghuhusga. “

“Napakasama ho ba talaga ng mga prayle noon, mga lolo at lola ko?”

“Naku, karamihan. Ginamit nila ang Diyos para katakutan sila. At nagkaroon sila ng kapangyarihan sa mga mabubu­ting kristiyano. May mga naanakan ang mga prayle noon.”

“Diyos ko … pare, nagkaanak?”

“Kawawa ang mga babae noon na magugustuhan ng mga prayle. Ginagahasa. Pinipilit. Eh, kaya nga galit sa kanila si Jose Rizal, e. Lalo na si Andres Bonifacio. Mabuti na lang, nag-improve naman ang ating simbahan at paniniwala. Marami na ang mga pari ngayon na talagang totoong gumagawa ng mga aral ng Diyos.  Agyana, may pag-asa naman talaga ang mga tao sa mundo. Nananaig pa rin ang kabutihan.”

Napaiyak si Agyana, ang sarap pakinggan ng salitang pag-asa. Pagpatak ng luha sa kanyang mga braso, may napansin siyang kakaiba.

Dalawang Labas Na Lang At Family Zombie Na!

MULTONG BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with