Multong Bahay (135)
Gilda Olividado (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

NAMUMUHAY ang multong buhay, kanyang mga magulang at mga kaluluwang ninuno sa isang bahay sa bundok na masaya.

Dahil sa kabaitan niya ngayon, nakakatakot man ang itsura, walang takot ang mga magulang sa multong buhay.

Nakikita nila ito sa linis ng puso.

Sa mabuting kaisipan.

Sa ugaling mapagmahal.

“Paano kung lagi ka na lang ganyan, okay lang sa iyo?”

Nakangiting sumagot ang multong buhay. “Okay lang po. Tahimik po ako. Masaya sa pi­ling ninyo. Hindi ko na kailangang maghanap ng iba pang nagmamahal sa akin. Sapat na ho kayo.”

“Pero mahal mo pa rin si Don Aguilar?” Tanong ng pinakamatandang ninuno.

“Opo. Pero hindi ko ho ipipilit ang hindi naman para sa akin. Kaya ko na ho ngayong makuntento.”

Naluha sa kasiyahan ang mga magulang.

“Okay lang sa amin ang tumira rito hanggang kamatayan namin, anak. Pero ikaw, bata ka pa ... marami ka pang dapat maranasan.”

“Alam ko po. Pero ‘di nga ho ba, sabi ko, kaya ko na ngayong makuntento? Kung ano ang bigay ng Diyos, tinatanggap ko ng buong puso.”

PATULOY ang paggaling ni Donna Aguilar.

Masaya ang kanyang pamilya. Ang parents. Si Don.

Pero lahat sila napapansin na kahit ngumiti si Don, ang mga mata ay malungkot.

“Paano natin siya maaayos?” Worried na tanong ni Mrs. Aguilar.

“Hindi natin hawak ang solusyon.”

“Wala na tayong balita kay Agyana. Nasaan na siya?” Tanong ni Donna.

Pero wala rin namang maisagot doon ang kanilang mga magulang.

“Di ba sabi mo, nagpaalam na si Agyana kay Don? Alam na siguro niya na talagang hindi na sila magkikita.”

“Sana ... kung nasa purgatoryo na uli ang kaluluwa sa katawan ni Agyana, makabalik ako roon. Para mahanap ko siya at masabi sa kanya na kawawa naman ang kapatid ko.”

“Donna, ni hindi mo naman talaga sigurado kung nakarating ka roon. Tandaan mo, nabuhay ka. Puwede bang huwag kang mag-isip nang ganyan? Ayoko nang maulit na muntik ka nang mawala sa amin. Hayaan n’yo na ‘yung kaluluwa ... kayong dalawa ni Don ay buhay, dito ang inyong tahanan. Huwag n’yo na ngang isipin iyang purgatoryo!” Emotional na nag-react si Mrs. Aguilar. Tatlong labas na lang at zombie family na

MULTONG BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with