^

Para Malibang

Bantayan ang Puso Laban sa Adultery

Pang-masa

Ang isang kaibigan na nagyaya na mag-lunch na walang abiso na ang katuwiran ay matagal na silang hindi nagkikita. Kasunod na araw, aba call muli si friend meron daw siyang nakitang bagong restaurant. So nasundan pa ang pagkikita kasama ang isang guy na hindi matanggihan dahil nakakaaliw itong kasama.

Ang nakalulungkot ay hindi na tama ang mga sunud-sunod na pagkakataon na magkasama ang dalawa. Ilang mister at misis na ba ang nagkaroon ng affair sa kanilang mga katrabaho o kaibigan? Nahumaling sa kanilang mga colleagues sa work dahil sa matalino, articulate, maganda, guwapo, sexy, kalog, at masayang kasama.

Ang katuwiran ay hindi na masaya sa kanilang marriage life, pero mahal pa rin si misis o mister lalo na ang mga anak. Sa puso ng indibidwal ay gusto pa rin niyang gawin kung ano ang tama. Walang choice si hubby at wifey kundi sabihin ang kanyang lihim sa asawa. Upang ihingi ng tawad ang kanyang pagkakamali.

Ang isyu ay patungkol sa sexual temptation na nakondisyon sa puso. Kung kaya dapat na bantayan ang puso. Ang mga daddy ay dapat magbigay ng war­ning sa kanilang adult na anak na lalaki na labanan ang tukso. Marami na ang nagkaroon ng maling desisyon sa kanilang buhay.

Ang ilang shot o extra drinks sa pag-inom sa bar o beerhouse hanggang makipag-usap na sa isang babae na inabot hanggang umaga na silang magkasama. Bago maghiwalay ay nagpalitan na ng cell numbers. Pero itatanggi pa ni mister o misis na walang nangyari sa kanila ng kanyang “friend” na isang gabi lang niya nakilala.

Masidhing pakiusap ni Haring Solomon sa mga mister at misis na lagyan ng kandado ang kanilang mga puso. Upang mabantayan ang puso laban sa tukso ng adultery. Para hindi mawasak ang pamilya at maging luhaan na magdusa ang mga anak dahil lamang sa pagkahulog sa pangangalunya ng asawa.

ADULTERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with