OFW na Misis, Sinisisi
(Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

Suportahan ang naiiwang mister sa tahanan kung si misis ang pinadala na maging overseas Filipino workers. Kadalasan nagagawa ni mister nang maayos ang responsibilidad sa bahay na nanatili rin tapat kay misis. Pero kapag nagkataon na mas pinili nito na magkamali gaya ng pagtataksil, pagsusugal o malulong sa ibang bisyo, at mapabayaan ang mga anak, ibang usapan na ito.

 

Walang dapat mag-akusa kay misis para sisihin sa nangyari. Maliwanag na pagkakamali na ito ni mister.

Mahalagang maiwasan ang ganitong pagkakamali. I-push pa rin ang financial independence ni mister. Kung nakapag-ipon na nang sapat na pera, planuhin ng mag-asawa na magkaroon ng home-based na negosyo si hubby o ipagpatuloy pa rin nito ang kanyang trabaho. Kung busy si mister at productive, tiyak na makaiiwas siya sa tukso o masamang bisyo. Upang mabilis na mapaghandaan ang future ng buong pamilya sa leadership pa rin ni mister kahit ang misis ay isang OFW.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with