Multong Bahay (113)
Gilda Olvidado (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

NANG nasa ER na siya at nakikita ang kapatid na naliligo ang ulo at mukha ng sariling dugo, halos mag-collapse si Don.

Hindi niya matanggap.

Kanina lang, kausap niya ito sa bar. Ni hindi ito nakainom, sumama lang sa mga kaibigan.

At ito ang nag-aalala sa kanya. Na kapag nag-drive siya pauwi sa bahay nila, dahil nga lasing, may mangyaring masama sa kanya.

Ngayon ito pala ang maaaksidente. At siya pa ang nakatakdang mag-opera?”

“Doc, handa na lahat para sa operasyon.”

Nagsimulang ma­nginig ang katawan ni Don. “Jesus, h-hindi ko yata kaya!”

Tinapik siya ni Sam na siyang mag-a-assist sa kanya. “But you’re the best, dude. C’mon, kailangang mailigtas mo siya. Huwag mo lang isipin na kapatid mo siya. Treat this as if she is just a patient in need of your service.”

Para namang nahimasmasan si Don.

Mamamatay si Donna kapag hindi siya kaagad kumilos.

“Okay! Prepare eve­rything!” Buo na uli ang loob ni Don.

MAY kaluluwang maglalakbay.

Si Donna.

Nag-aalanganin siya. May enerhiyang parang humihigop sa kanya pataas.

Pero napapalingon si Donna. Dahil nakikita niya ang kanyang Kuya Don na ooperahan na siya.

Nakita niya ang he­sitation nito kanina.

Ang pinipigil na pag-iyak. Ang pagtanggap sa pinakama­laking challenge sa career nito.

Hindi ba puwedeng bumalik siya sa kanyang katawan at bumangon na lang siya?

Yakapin ang kanyang kapatid. At siya ang tutulong dito dahil alam niyang mabigat din ang dinadala ni Don sa ngalan ng pag-ibig.

Pero napakalakas ng enerhiyang humihigop sa kanya paitaas. Hindi niya nakayang huwag magpadala.

Hindi naman siya tuluy-tuloy na hinigop pataas. Kumanan siya. Dala pa rin ng enerhiya.

Saka siya may natatanaw. Palapit sila doon.

Isang mala-higanteng building. Napakalawak. Napakataas. Kulay gray. Para sa kanya ay boring ang ganitong kulay. Pero ano ito? Bakit siya dito dinala? - ITUTULOY

MULTONG BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with