Nai-in love sa may asawa
(Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Ang problema ko’y in love ako sa maling babae.  Dahil mayroon na siyang asawa. Malapit kami sa isa’t isa pero hindi niya alam na mayroon akong nararamdaman sa kaopisina ko. Pinipigil ko ang sarili ko dahil alam kong hindi mabuti ang kahihinatnan kung papasok kami sa isang relasyon. Ano po ang dapat kong gawin para mapalakas ko ang pagtitimpi ko? Natatakot ako malapit na kaming mahulog sa isa’t isa. - Jojie

Dear Jojie,

Ang pinakamabuting gawin ay iwasan na ninyo ang bawat isa hangga’t hindi pa huli ang lahat. Ang nadarama mo sa babaeng iyan ay tukso. Huwag mong sabihing matatag ka at makakapagpigil sa iyong damdamin dahil walang sino mang humawak ng baga ang hindi napaso. Kaya ang pinakamabisang paraan para huwag matukso ay lumayo sa tukso. Hindi kasalanan ang matukso. Ang kasalanan ay kapag ang tao ay nagpatalo sa tukso.

Sumasaiyo,

Vanezza

ASAWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with