Kung si nanay ang ofw...
Kung si nanay ang ofw...
(Pang-masa) - January 6, 2019 - 12:00am

Sa maraming overseas Filipino workers ay hindi maiaalis na maiwan sa bansa ang padre de familia kung si misis ang pinalad na makapag-abroad.

Pero hindi ibig sabihin na komo si misis ang naghahanap-buhay sa ibang bansa ay babale­walain na ang leadership ni mister.

Bagkus ay siguraduhin na irespeto pa rin ng iba ang iyong mister. Huwag hahayaan ang iyong mga anak o kamag-anak gaya ng biyenan, hipag, at iba na insultuhin si mister.

Ihayag sa kanila kung gaano mo pa rin ipinagmamalaki ang iyong hubby.

Huwag payagan na mag-comment o magbiro ang iba patungkol sa iyong asawa na naririnig man o hindi ni mister ang kanilang sinasabi.

Kahit pa ang sarili mong magulang ay pakiusapan na irespeto pa rin ang iyong mister na hindi nagbabago bilang haligi at leader ng iyong tahanan.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with