New Year’s Disillusion
(Pang-masa) - January 3, 2019 - 12:00am

Pagkatapos ng holiday, karamihan ay nag-iisip ng pag-set kung anong dapat na resolution para sa bagong taon. Magandang practice ito, ang problema halos lahat ay nabibigo na bumalik sa basic bago mag-set ng goals. Hindi nakapagtataka na masyadong ginagalingan sa effort, minamadali, at ang ending ay nadidismaya.

Sa halip na i-defrose na malinis muna ang windshield pagkatapos ng ulan, nasiksik na alikabok, ice at snow ay sinisimulan agad ang magmaneho sa mga destinasyon na gustong puntahan na nananalangin na hindi mabangga o mag-crash. Ang iba ay nakararating ng ligtas, pero sa malas ang iba ay nababangga sa puno o nabunggo at naaksidente.
   Paano ba mapipigilan na gumawa ng sariling disillusions na baguhin ang ma­ling akala kung kaya nadidismaya sa halip ay magkaroon ng totoong pagbabago.

Ang pagiging totoo sa sarili kung saang area ng buhay na dapat mag-set ng goals ay makatutulong na build-up ang simpleng success over time. Bakit ito importante? Dahil kapag humaharap sa tamang direksyon, ang kailangan lamang gawin ay magpatuloy. Ano nga ba ang mga hakbang na dapat gawin?
1. Isulat ang goal na gustong i-set bilang resolution.

2. Sumulat ng tatlong steps upang magkaroon ng order na gustong ma-achieve.
3. Pumili ng startegies ng gagawin na isa sa 3 steps at isulat ito.

4. Bigyan ng highlight ang huling dalawang bagay na pinakagustong matupad.
5. Lagyan ng marka ang iyong goals at dito magsisimula ang iyong roadmap.
Halimbawa gustong magbawas ng timbang.

Sa tatlong steps 1. Mag-ehersisyo. 2. Kumain ng healthy 3. Dalasan ang luto.

Pangalawang steps 1. I-manage ang ang oras. 2. Maghanap ng kasiya-siyang physical na activity. Ang highlighted na step: Magkaroon ng management sa oras.

RESOLUTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with