Hangin na Dala-dala ng OFW
Hangin na Dala-dala ng OFW
(Pang-masa) - December 30, 2018 - 12:00am

Kasama sa pagpapalit ng kalendaryo ang pagbabagong buhay ng mga Pinoy, maging ang mga overseas Filipino workers.

 

Ang nakapagtataka kahit ilang taon nang expose ang mga OFW sa ibang kultura sa abroad ay nanatili pa rin ang ibang nakakainis na bad habits ng mga Pinoy. Ang maganda sa bawat bagong taon ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na baguhin ang ating maling nakaugalian.

Noted sa ilang OFW na komo nakarating sa ibang bansa ay ang lakas ng hangin na dala-dala dahil sa sobrang kayabangan. Sa mga huntahan na kahit hindi tinatanong ay ipinagmamalaki pa kung saan nag-aaral ang kanilang mga anak. Siyempre sensitibo ang ibang tao na parang ipinapamukhang angat ang kanyang pagiging OFW.

Hindi naman kailangang pang ipagyabang ang kanilang mga pera, kayamanan, o trabaho sa ibang bansa. Sapat na maging mapagkumbaba sa maraming blessings financially ng mga OFW.  Hindi pa ba obvious mula sa magarang bahay, kotse, at pamumuhay ay alam na ng mga kapitbahay at classmates ang iyong katayuan sa buhay.

Pero huwag nang ipanglandakan pa ang mga extra pagpapala kundi ay manatiling humble sa kabila ng mga lahat ng material na tinatamasa sa buhay. Ngayong bagong taon ay mas magsipag at matutong magsinop ng kaperahan upang lumago ang kabuhayan na tahimik na mamuhay kaysa sa ipagkamaingay pa ang mga ito.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with