Perang napamaskuhan ng anak
PRODUKTIBO (Pang-masa) - December 26, 2018 - 12:00am

Sa rami ng mga regalo at pera na natatanggap ng mga anak ngayong holiday season, tiyak na puno na ang kanilang pitaka. Kung naka-jackpot pa ang mga bata mula sa kanilang mga galanteng ninong, ninang, lolo, lola, at iba pang tao ay mas maraming pera ang anak.

Isa sa best na paraan na hindi masayang ang pera ng anak ay ilagay ito sa kanyang educational fund o ibang investment vehicle. Puwedeng regaluhan ang anak ng alkansya o box kung saan niya puwedeng ihulog ang mga barya. Kung may bank book na ang anak ay mas maganda.

Ngayong holiday season ang best part nang pagtatabi ng pera ng mga anak. Turuan ang anak na huwag masyadong maging maluho sa mga mamahaling laruan.

Kundi magbukas ng ibang regalo na ikasisiya ng bata at the same time alam niyang may pera siya sa bangko pagpasok ng bagong taon. Habang bata ay ituro na sa mga anak ang kahalagahan ng mga paghawak ng pera wisely.

Hindi komo maraming pera ay iwawaldas na ito sa mga mamahaling gadgets. Upang hindi matukso ang mga anak na ibili agad ito ng cell phone o ibang bagay; turuan ang bata na isulat ang kanyang bibilihin. Pagkaraan ng tatlong araw ay saka tanungin ang anak kung priority ba ang kanyang bibilihin.

Sa ganitong paraan ay mamumulat ang isipan ng mga anak na ang mga material na bagay ay pansamantala lamang.

Kaya dapat unahin ang mga priorities gaya ng kanyang schooling na investment na hindi masasayang kailanman.

HOLIDAY SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with