Pinakamagandang regalo sa OFW
(Pang-masa) - December 16, 2018 - 12:00am

Kahit ilang beses nang nagpapabalik-balik sa pag-uwi ng ‘Pinas ang mga overseas Filipino workers, hindi pa rin nawawala ang excitement upang makasama ang pamilya.

Ang pagbalik sa sa­riling bayan ay nagbibigay kagalakan sa OFW lalo kung nataon pa ang bakasyon ngayong kapaskuhan.

Mabilis na lang lumipas ang mga araw, kaya samantalahin na ilaan ang oras na makapiling ang mga anak lalo na ang asawa. Bigyang halaga ang pagsasama-sama, pamamasyal, at bonding ng mahal sa buhay.

Dahil wala nang mahalaga sa mga OFW ang magkaroon muli ng moment na mayakap, makausap, at mapasaya ang kanyang pamilya. Hindi maaalis na maraming problema ang dapat na ayusin. Ngunit huwag magpapadala sa maraming isyu. Sapat na ang manghingi ng patawad sa isa’t isa at ituwid ang mga pagkakamali.

Upang mas maiwan na babaunin ng OFW sa kanyang pag-alis, ang masasayang sandali na magkaroon ng pinakamagandang regalo na makapiling muli ang kanyang pamilya.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with