^

Para Malibang

Panakip-butas sa kalungkutan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Jed na naaawa sa naglalasing kong kaibigan na babae dahil sa sama ng loob. Nakita niya ang bf niya na may kasamang ibang girl. Mahal na mahal daw niya ang bf niya. Naging magkaibigan kami. Lagi ka­ming namamasyal hanggang sa naging kami. Pero isang araw nag-text siya. Pasensiya na raw dahil napatunayan niyang mahal pa niya ang bf niya kaya nagkabalikan sila. Ang sama ng loob ko. Pero wala akong magawa. Hindi ko naman siya puwedeng pilitin na mahalin ako kung may iba nang nagmamay-ari ng kanyang puso. Ngunit nahihirapan ako. Ano ba ang gagawin ko? - Jed

Dear Jed,

Talagang mahiwaga ang pag-ibig. Kahit saktan pa ang isang babae kung talagang mahal niya ang lalaki pilit na ipinipikit ang mata sa katotohanang kahit niloko na siya ay siya pa rin ang mahal niya. Kalimutan mo na siya at huwag padadaig sa sama ng loob. Aral na iyan sa’yo. Kung ang isang babae ay mayroon nang nagmamay-ari ng puso, huwag nang tangkain pang ibigin. Magiging panakip-butas ka lang.

Sumasaiyo,
Vanezza

vuukle comment

PANAKIP-BUTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with