^

Para Malibang

Multong Bahay (58)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAG-IISIP si Agyana pagkatapos ng usapan nila ni Don Aguilar sa telepono.

“Hindi ako puwedeng magsinungaling. Wala iyon sa usapan namin nang pumayag akong maging laman ng katawan ni Agyana. Kaya kung ano man ang itatanong ni Don, sasagutin ko ng totoo.”

Sabi ni Agyana sa sarili. Matatag. Walang pag-aalinlangan.

ANG multong buhay ay galit habang nasa gitna ng gubat.

“Bakit ako nandi­dito? Hindi pa ba sapat na ginawa akong pa­ngit na multong buhay? Pinaparusahan pa ako, ginawa na ngang pangit na nakakadiri at nakakatakot, ngayon ay inilayo pa ako sa mga taong gusto kong gantihan! At inilayo rin ako kay Don na mahal na mahal ko!”

Wala siyang pagpapakumbaba.

At pagsisisi.

Lalo pang yumabang at higit na tumindi ang kagustuhang makapaghiganti.

ANG MGA kaluluwang ninuno ay lagi pa ring nakatunghay sa multong buhay.

“Kung sana ngayon ay natututo na siyang maging humble, nagsisimula nang magsisi, baka naibalik na natin siya sa dati. At nakabalik na rin dito sa purgatoryo ang kaluluwa.”

“Kaso nga hindi. May balak pa yatang sumamba na lang sa taga-impiyerno.” Napapailing ang Lola ni Agyana.

“May free will siya. Hindi natin siya puwedeng diktahan kahit alam natin ang mangyayari sa kanya oras na lumapit siya sa demonyo.”

“Tama. Maganda ang layunin natin kaya natin siya binibigyan ng leksiyon. Pero ang tigas ng apo nating ito. Kaya nga di ba, sabi ko baka tayo nagkamali. Paano kung sa kagustuhan nating magbago si Agyana ay napapahamak naman sa kanya ang napakaraming tao?”

“Huwag muna nating duruin ang mga sarili natin. Lahat tayo ay walang masamang intensiyon. Kaya manalig tayo. Hindi pa naman kumikibo ang Panginoon at ang Kanyang amang Diyos. Ibig sabihin, nandidiyan pa rin ang tiwala Niya sa atin.”

TENSED si Don Aguilar. Magkikita na sila ni Agyana, susunduin na niya ito sa opisina.

Dalawa ang dahilan kaya siya tensed.

Una, lagi talaga siyang excited kapag makakausap at makakasama niya si Agyana.

Pangalawa, paano ba sila mag-uusap tungkol sa isang napakapangit na multo na nag-claim pa na ito ang totoong Agyana at mahal na mahal siya?

Itutuloy         

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with