^

Para Malibang

Multong Bahay (51)

Gilda Olividado - Pang-masa

AT nangyayari ang kinatatakutan ng multong buhay.

Ang kinaroroonan niya ay binaha ng liwanag.

At nakita siya ng lahat na nasa mansiyon na iyon.

Sigawan ang mga kasambahay, hindi nakatakbo dahil nanigas. Parang ang mga paa nila ay walang lakas na kumilos.

Si Don Aguilar ay nabigla rin.     

Pero nakabawi agad. Talagang matapang na surgeon. Para sa kanya ang kamatayan ay normal.

At kung may multo man ay kaya niyang harapin. Matakot man ay hindi siya tatakbo.

Panghihinaan man ng loob ay hindi siya aatras.

Ang multong buhay naman ay inalipin ng takot. Mula nang maging multo siya ay ngayon lamang siya nakaranas ng kahinaan.

Iyung sa gitna ng sobrang liwanag ay naroroon siya, nakalantad. Napakapangit. Nakakakilabot. Nakakadiri.

“Who are you?”

Nagulat pa ang multong buhay sa tanong na iyon. Para lang siyang isang ordinaryong tao na nahuli sa loob ng mansiyon, guilty at inuusig.

Paano ba niya tatakutin o sasaktan ang lalaking matindi ang kanyang pagkagusto.

“Nananakot ka sa Mama ko? Nananakot ka sa mga kasambahay naming kaya ayaw na nila rito? Ano ba ang kailangan mo? Ano ang gusto mo?”

Hindi makasagot ang multong buhay.

Alam niyang kapag lumabas ang boses niya ay napakapangit pakinggan. Nakakadiri rin ang timbre.

“Masama kang nila­lang! Multo ka man o ano ka pa man, I want you to get out of our home!”

At may kinuha si Don Aguilar sa isang drawer na malapit lang sa kanyang kinatatayuan.

Baril. Inilabas niya kaagad. At tinutukan niya ang multong buhay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapagsalita.

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with