Yogurt at lemon
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - November 12, 2018 - 12:00am

Epektibong pampawala ng blemishes ang pinagsamang yogurt at lemon. Sagana rin ang lemon sa vitamin C na nagpoprotekta sa balat mula sa UV dama­ge. Ang yogurt naman ang siyang mag-i-improve sa texture ng kutis para mas kuminis ito.

Pampawala ng cellutite o ‘yung mga taba-taba na madalas na nakikita sa mga hita ang pinaghalong kape at olive oil. Tunawin lang ang ½ tasa ng kape sa dalawang kutsarita ng olive oil. Ipahid ito sa buong hita at balutan ng plastic. Gawin ito ng 2-3 tatlong beses sa isang linggo.

Para sa puffy eyes o na­mumugtong mga mata, ang puti ng itlog ang solusiyon. Ihiwalay lang ang egg whites at haluin ito hanggang maging foam ang hitsura. Ilagay sa puffy eyes ng 15 minuto at banlawan.

Nakakaputi ng ngipin ang pinagsamang strawberry at baking soda. Durugin lang ang prutas at ihalo sa baking soda. Ilagay sa ngipin at ibabad ng limang minuto at banlawan. Nakakabango rin ito ng hininga.

YOGURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with