Goals sa inyong savings
(Pang-masa) - November 7, 2018 - 12:00am

Ang pag-iipon ay maaaring hindi kasing saya gaya ng paggagastos o pagwawaldas ng pera. Pero hindi naman kailangang pahirapan ang sarili. Lahat ng bagay ay puwedeng simulan sa maliit na pagpaplano.

Paano nga ba magkaroon ng savings na maging epektibo? Simple lang naman ang ilang tips kung paano sisimulan ang pag-iipon.

Gaya ng pag-set ng goals. Siguraduhin na maging malinaw ang iyong goals at maging realistic. Mag-set din ng limit. Isulat ang iyong goas bilang short, medium, o long term. Ang short term goals na bagay ay puwedeng hanggang next year. Halimbawa sa pagbili ng bagong TV o iPad, o pagbakasyon kung holiday. Ang medium term ay hanggang dalawa o limang taon. Gaya ng pagbili ng kotse, pagkakaroon ng savings para sa pag-deposit sa bibilhing bahay. Ang long term goal ang yung higit pa sa five years. Puwedeng pagbabayad sa gustong sariling bahay o pagkakaroon ng pamilya.

Kaya tigilan muna ang mga hindi kailangang gastusin. Maging wise sa pagbabangko ng iyong pera, at mag-develop ng budget para sa iyong mga plano.

SAVINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with