^

Para Malibang

Multong Bahay (32)

Gilda Olividado - Pang-masa

“Darling, sumagot ka, psychiatrist na ang nagtatanong sa iyo at kaibigan natin. Parang kapamilya. So you don’t have to worry to answer any question.”

Pero nananantiya pa rin si Mrs. Aguilar.

Hindi alam kung paano sasabihin ang tungkol sa multong buhay.

Takot na baka matawag nga siyang baliw na.

“Darling ...” Nanunuyo ang mister na bilyonaryo sa asawa. Gustong magsalita talaga ito.

“Sige na, you can tell me anything. Believe me, nothing will shock me.” Sabi ng kaibigang psychiatrist.

Umiling si Mrs. Aguilar. “Maraming hindi naniniwala sa ... I mean, kung hindi ko narinig at nakita, hindi rin ako maniniwala. But I saw her. I heard her footsteps, her haunting voice ...”

“Her?” Napaisip ang psychiatrist.

“Sino siya, darling?”

“Ang ... ang multong nakakatakot at nakakadiri talaga ang itsura.”

Napatingin sa isa’t isa ang psychiatrist at si Mr. Aguilar.

ANG multong buhay ay nasa isang sulok ng garden ng mga Aguilar.

Hindi siya nagugutom pero natatakam siya sa mga pagkain. Lalo na at nakakaamoy pa rin siya.

Hindi siya nakakahawak ng bagay pero siya ay nakakaamoy lalo na kung very strong na ang scent.

At ang mga nilulutong ulam sa kusina ng mga Aguilar ay talagang amoy na amoy niya.

“Isa itong torture! Bakit nakakaamoy pa ako ng sobrang masarap? Talagang itong gumawa sa aking multong buhay ay malaki ang galit sa akin. Ang Diyos kaya? Pero sabi naman nila napakabait daw ng Diyos, hindi gumaganti.”

“Talagang di ko matanggap ito. Gusto kong masaktan at mahirapan ang mga taong masasaya! Mamayang gabi, lagot ka na naman sa akin, Mrs. Aguilar.”

May dumating na sasakyan.

Ang sa anak na babae ng mga Aguilar. Si Donna Aguilar.

Kinausap nito ang maid na nagbukas ng gate. “Ang Mommy at Daddy?”

“Ma’m, nasa psychiatrist po. Kanina lang umalis. Papatingnan ang Mommy ninyo.”

“Si Don, wala pa? Nandodoon pa rin kay Tita?”

“Siguro po, Ma’m.”

Ugali na ni Donna na kapag wala pa ang mga kapamil­ya ay naglalakad-lakad muna sa hardin at nakita niya ang multong buhay na nakatingin din sa kanya.

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with