^

Para Malibang

Warning Signs ng mga Cheater na Asawa

Pang-masa

Ang cheating o pagtataksil ay isang malaking hamon na problema sa mag-asawa. Kalimitan kahit komprontahin ang partner ay panay pa ang deny ni mister o misis. Maliban kung mayroong matibay na ebidensya ay hindi pa ito aamin.

Pero maraming signs na obvious na magpapatalas ng radar upang malaman kung cheater ang partner. Kapag si mister ay bored na kasama ka o ng mga anak, sa trabaho niya, kahit sa  hobbies niya na pangkalahatan ay boring na boring sa buhay niya. Wala na siyang koneksyon sa iyo na nararamdaman na ang kanyang panlalamig. Hindi na ito nangangalabit na tipong wala na kayong sex life. Wa as in nganga na zero na ang palusot ay pagod o wala siya sa mood. Laging nega ang dating sa kanya nang lahat ng bagay. Mapapansin na may mga charges sa credit card. Laging masekreto na ayaw pahawak ang cell phone niya sa iyo. Laging may overtime o out of town. Laging nakapintas sa iyo. Panay ang porma at mapapansin na may kakaibang scent o cologne sa damit niya. Ayaw na magsimba. Hindi makatingin sa iyo ng mata sa mata at umiiwas lagi na komprontahin siya.

Mahaba pa ang listahan ng mga warning signs ng mga cheater. Pakinggan ang iyong tamang hinala na kung ano ang sinasabi ng iyong gut feeling na parang hindi normal sa ikinikilos niya. I-check upang maputol agad ang pagloloko ng iyong asawa.

CHEATING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with