^

Linya at payo na laging sinasabi ng iyong guro

ANGAS NG BAE (Pang-masa) - October 7, 2018 - 12:00am

* Buti na lang sa Christian school ako nag-aral mula sa elementary hanggang high school. Araw-araw pinare-recite kami ng teacher ko ng verses kaya kabisado ko na kapag sinasabi niya sa umaga pa lang na “recite yung verses.” Na-miss ko tuloy ang learning center namin. – Joyce, Bacoor, Cavite

* Naalala ko ang professor ko sa college na natutulog sa likod habang may nagre-report na grupo sa harap ng klase.  Tapos magigising na lang kapag discussion na. Nung hindi namin maintindihan ang  concept na itinuturo ay biglang sasabihin ni prof na “excellent!” Lahat kami sabay tingin sa likod na lumaki ang mga mata at nagtaas ng kilay. Pero paliwanag ni ma’am na “because you have all the time in the world  to learn more, strive more, and study more!” ‘Di ba inspiring dahil hindi katapusan ng mundo kung bumagsak ka, kundi simula para mahamon na mas mag-aral mabuti. – Len, Tondo

* Laging naririnig ko sa principal namin na sinasabi niyang an excellent is a habit.  Nagsisimula raw ito sa routine hanggang ang action ay maging habit. Kaya dapat daw sanayin ang sarili sa good habit. Upang hindi mawala ang tamang disiplina. – Nikki, Zambales

* Yung ngiti pa lang ni ma’am ay buo na ang araw mo. Laging naka-smile kapag nagtuturo at laging ina-appreacite lahat ng accomplishment mo; na kahit lahat ng drawing mo ikinatutuwa niya. Lalo na kung may assignment ka pa. Hindi ka hinuhusgahan kahit nagkakamali ka at tinutulungan ka pa para matuto at makapasa. Kaysa sa bahay na puro sermon at galit ni nanay ang naririnig mo. – Chel, Bataan

 

 

 

GURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with