Nobyang advance mag-isip, hindi excited makasal sa bf
(Pang-masa) - October 3, 2018 - 12:00am

Dear Vanezza,

Meron akong nobyo ngayon. Minsan lang kami kung mag-usap dahil long distance relationship namin. Gusto raw niya akong pakasalan. Nung una excited ako, pero nagtataka ako na marami siyang nakakasamang babae sa mga pictures niya. Sabi niya mga kasama lang niya sa trabaho. Naguguluhan po ako kung honest ba ang nobyo ko kahit magkahiwalay kami? - Dang

Dear Dang,

Bakit hindi mo komprontahin ang iyong nobyo na kausapin ito ng masinsinan. Kung sino talaga ang mga babaeng kasama niya sa pictures. Ikaw mismo ang makakaalam kung totoo ang kanyang sinasabi. O baka naman advance ka lang mag-isip, kung alam ng lalaki na ikaseselos mo ang mga pictures tiyak ay hindi na niya ito isi-share sa iyo. Pero timbangin mong mabuti ang iyong damdamin. Tiyakin mo sa iyong sarili kung talaga bang mahal mo siya o baka gusto mo lang ang idea na makasal sa kanya. Pag-isipan mong mabuti bago gumawa ng desisyon dahil nakasalalay dito ang iyong sariling kaligayahan. Walang masama kung ngayon pa lang ay sabihin mo na sa kanya na ayaw mo nang magpakasal, kaysa magpaasa sa lalaking maaaring ikaw lamang ang tinatangi.

Sumasaiyo,

Vanezza

RELATIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with