^

Para Malibang

Multong Bahay (09)

Gilda Olividado - Pang-masa

PINAGTATAWANAN ang nakakita sa multong buhay pero nanginginig pa rin ito sa takot.

“Ano ba? Hoy, tigilan mo na ‘yang grabeng nerbiyos na ‘yan! Baka maatake ka!”

“Grabe kasi. Nakakatakot na ngang makakita ng multo eh, sobrang nakakatakot at nakakadiri pa ‘yung multong ‘yon!”

“May third eye ka siguro. Kaya humanda ka, marami kang makikitang multo.”

“Oo nga. Problema ‘yan, pare. Kaming mga walang third eye, hindi namin makikita ang mga multu-multong ‘yan!”

“Sige nga, subukan n’yo ngang pumunta sa corner na ‘yon kung saan nakita ko ang multo! Tingnan natin kung makikita n’yo ba o hindi!”

“Hindi nga! Bihira lang talaga ang malas na nakakakita ng multo at ikaw ‘yon!”

“Bakit hindi n’yo lang subukan? O natatakot kayo dahil napakadilim diyan. Baka nga nandidiyan pa ang multo at may makakakita rin sa inyo?” Hamon ng nakakita kay Agyana.

Nahamon naman ang isa. “Ang kulit! O sige na nga, ako ang pupunta riyan sa dilim na ‘yan! Patutunayan ko pa sa iyo na walang multo! Hallucination mo lang ‘yon o baka may tinira kang ipinagbabawal ni President Duterte!”

Buong tapang nang humakbang ang kasamahan doon sa dilim.

Nasa dilim pa nga ang buhay na multo. At alam ni Agyana na lalapit na sa kinaroroonan niya ang kasamahan.

Makikita siya nito. Huli na para tumakbo.

Tumalikod na lang siya. Itinago niya sa kanyang harapan ang kanyang mga kamay at braso.

At ang kanyang mga binti naman ay umaasa siyang hindi makikita na butas-butas dahil sa dilim.

Paglapit ng kasamahan, nanlaki ang mga mata nito nang may nakitang nakatalikod na tao sa dilim.

“A-aba, sino ka? Bakit may ... tao rito?”

Hindi sumagot si Agyana.

“Tao ka ba? O ... multo?” Kabadong tanong ng kasamahan.

Nang hindi pa rin makasagot si Agyana, tumawag na ng mga kasama ang nakatingin sa kanya. “Guys! Halikayo! May tao rito, o! Ayaw humarap! Kailangan humarap siya para makita natin kung ano ba talaga siya! Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with