^

Para Malibang

Sa taas ng mga bilihin, paano nagtitipid ang pamilyang Pinoy?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Sa totoo lang, mahirap magbigay ng tips kung paano makakatipid lalo na sa taong hindi willing gawin ito. Mas mabuti siguro kung uunahin ang self-reflection bago simulan ang pagtitipid. Alamin kung bakit ito essential sa buhay nating mga Pinoy lalo na sa panahon ngayon.” - Froi, 34

“Siguro ang mapapayo ko lang, alamin kung ano ba talaga ang dapat na i-prioritize. At para sa akin, ito ay ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Siyempre, dapat ding isaalang-alang ang presyo ng ating kinakain. Mas makabubuti kung ikaw mismo ang maghahanda ng iyong kakainin. Bukod sa mas mura ito, makakatitiyak pa ang kalinisan.” - Tom, 26

“Huwag maging pasosyal. Live within your means. Maging kuntento sa kung ano lang ang kakayahan mo. Wala namang masama sa pag-unlad pero mas maganda kung uunahin ang pag-iipon kesa sa pagbili ng luho.” - Martin, 29

“Umiwas sa bisyo. Naniniwala ako na major factor ito kaya hindi nakakatipid ang isang tao. Imbes na makatipid ay lalo ka pa mapapagastos kung hindi tatapusin ang bisyo. Iba’t iba ang klase nito, mayroong alak, sigarilyo, sugal, at ang sobrang pagkakape sa mamahaling coffee shop.” - Arjon, 36

“Huwag magpunta ng mall at sa kung saan-saang bilihan kung hindi naman kinakailangan dahil malaki ang posibilidad na mapapagastos ka lamang. Huwag din kakain sa labas lalo na kung wala namang espesyal na selebrasyon. Intindihin na hindi lang sa materyal na bagay magi­ging masaya. Sa paraang ito, mas maa-appreciate ninyo ang mga simpleng bagay.” - Ken, 25

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with