^

Para Malibang

Multong Bahay (06)

Pang-masa

NAKIKITA nga ni Agnaya na unti-unti siyang nawawala sa salamin.

“Ano ito? Ano’ng nangyayari?”

Hanggang sa wala na talagang siyang makitang sarili niya.

Kinapa niya ang kanyang mukha na nawawala. Wala siyang makapa!

Ang kanyang braso, wala rin!

Pero naririnig niya ang sarili nang pasigaw siyang nagtanong. “Ano’ng nangyayari sa akiiiin?”

Nakatingin pa rin siya sa salamin.

Maya-maya, may nakikita na siya. Ang mukha niya na parang sinag lang pero butas-butas. Mukha ng multong nakakadiri tingnan. Pati ang kanyang buhok ay para ring sinag na kulay itim at butas-butas din. Nakakadiri rin.

Ang kanyang mga ngipin ay hindi magkakapantay, tabi-tabingi, malasinag ding nakakadiri.     

At nakikita na niya ang kanyang leeg na ganoon. May mga butas. Mandidiri ka.

Sumunod niyang nakita ay ang kanyang torso, mga braso, mga kamay. Mala-sinag pero butas-butas din.

Ang kanyang mga hita, mga paa, walang kaibahan.

Sa kabuuhan, si Agnaya ay isang multong butas-butas. Ang bibig ay tabingi at di pantay ang mga ngipin. Pati mga mata niya ay natatamaan din ng mga butas  kaya hindi magkakapareho.

“AAAAAAAAHHHHHHH!”

Natigilan sa pagsigaw si Agnaya.

Dahil kahit ang boses niya ay napakapangit. Bahaw, galing sa pinakamalalim na balon.

“Ano’ng nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Tao pa ba ako o ... o ...napakapangit na multo?”

Walang makasagot sa kanya.

Nang biglang may pumapasok na mga party goers sa comfort room. Takbo si Agnaya sa loob ng cubicle.

Nahulog ang kanyang napakamamahaling bag at naiwan din niya ang kanyang signature na sapatos.

Hindi na nabalikan ni Agnaya ang mga ito. Hinayaan na lang niyang nakakalat sa floor ng comfort room.

“Oy, tingnan ninyo! Mamahaling bag and pair of shoes! Bakit kaya iniwan dito?”

“Baka nakidnap ang may-ari?”

“Hindi naman siguro. Safe naman dito. Baka may nalasing nang girl ... baka nandidiyan sa loob ng cubicle, basta na lang inilaglag dito ang mga gamit niya.”

Kinakabahan si Agyana na nagtatago pa rin, ayaw niyang makita sa ganitong itsura.

 ITUTULOY

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with