Multong Bahay (03)
SUMAGOT kaagad ang pinakamatanda sa mga ninuno. “Masahol pa siya sa totoong multo. Dahil nga hindi naman siya totoong patay, nakabaligtad siya. Nasa ibaba ang ulo, nasa itaas ang mga paa. At ang kanyang kabuuhan ay wala ring laman, isa siyang ispiritu na butas-butas mula mukha hanggang mga paa.”
May nayanig na ninuno. “Nakakatakot nga! Nakabaligtad at butas-butas!”
“At siya ay nakakapagsalita. Pero ang kanyang boses ay masyadong nakakapangilabot. Kung magsasalita ay padaing, paungol, nanginginig.”
“Dapat lang naman siyang magkakaganyan. Dahil nga sa sama ng kanyang ugali kailangang mabigat o napakabigat ng parusa.”
“Nagkakaisa ba tayo ng disisyon na ituloy na natin ito?”
“Payag ako.”
“Ako rin.”
“Bakit naman hindi?”
“Mapapatunayan na patas lang tayo. Kahit mga kadugo natin, paparusahan natin kapag hindi maganda ang ipinapakita bilang tao.”
“Kung ganoon, mag-ipon tayo ng mga matitinding lakas. At bukas, gagawin na natin ang proseso para gawin ‘yang si Agnaya na … multong buhay.”
Sabay-sabay na sumang-ayon ang mga ninunong ispiritu.
Ang gesture nila ng pag-oo ay pagyuko ng matagal.
SI AGNAYA ay nag-i-enjoy sa pagsa-shopping. Dahil nga shopaholic, laging puno ang kanyang mga credit cards.
Baon na sa utang, pamimili pa rin ng walang katigil-tigil ang ginagawa. Pero ni hindi man lang makaisip na bumili kahit tinapay para maiuwi sa naghihirap nang pamilya.
Enjoy na enjoy si Agnaya.
Feeling niya inggit na inggit ang mga tao sa kanyang paligid. Kasi sila kung mag-shopping, may limitasyon.
Pero siya, wala.
NAPAPAILING ang ninunong ispiritu na pinababa para masdan lang ang nakatakda na nilang parusahan.
“Agyana, Agyana … sige, magpakasaya ka, magpakasawa. Dahil bukas, ikaw na ang pinakanakakaawang multo sa mundong ibabaw.”
Itutuloy
- Latest