^

Para Malibang

Apo damay sa galit ni lolo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hindi ako nakatapos ng pag-aaral dahil nagtanan kami ng mister ko. Dalawa na ang anak namin ay hindi pa rin ako mapatawad ng daddy ko kahit maayos naman ang buhay ko kapiling ang mister at mga anak ko. Gusto ko lang sana makasama ang daddy ko uli tuwing may okasyon upang makilala rin niya ang dalawa niyang apo. Pero pati sila ay damay sa galit pa rin ng tatay ko. Ano ba ang puwede kong gawin upang mapawi ang sama ng loob ng daddy ko? – Khea

Dear Khea,

Magulang ka na ngayon, na balang araw ay maiintindihan mo rin ang nararamdaman ng tatay mo na hangad niya ay magkaroon ka ng mas magandang buhay kung nakapagtapos ka ng iyong pag-aaral. Wala kang ibang dapat gawin kundi ang maghintay na lumambot ang puso ng iyong tatay. Patuloy mo pa rin siyang suyuin at ipakilala ang iyong mga anak. Kadalasan ay lumalambot ang puso ng mga lolo dahil sa mga apo.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

PAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with