Ikaw at ang Iyong Zodiac Sign (7)
Libra:
Mayaman ang kanyang imahinasyon kaya puwedeng maging manunulat at artist.
May magnetic silang personality at malakas na charm kaya’t kadalasan ay nagiging popular sa kanyang mga kakilala.
Pero minsan, may tendency siyang maging materialistic at maluho.
Bagay sa kanya ang maging abogado, titser, ahente ng produkto, seaman, chemist, electrical engineer.
Tapat na lover at tapat na kaibigan. Bihira sa mga Libran ang napapahiwalay sa kanilang asawa kahit pa sabihing hindi sila satisfied sa kanilang pagsasama.
Matindi siyang magmahal sa pamilya.
Lucky days ang Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules. at Sabado. Lucky numbers ay 1, 2, 4, 7. Magdudulot ng kaguluhan ang 3, 5, 6, 9. Ang number 8 ay gamitin sa may kaugnayan sa investments. Lucky colors ay orange, white at red. Iwasan ang green at yellow.
- Latest