^

Para Malibang

Pangalawang Anino (540)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Ariel sa nangyayari sa kanya.

“Huwaaaahhh! Sinalo ako ng ulap! At inaangat papunta sa tuktok ng bundok na banal!”

“Salamat, Panginoong mabait! Sabi ko na nga ba, nandidiyan Ka lang, e! Nagpapakita ka talaga ng Iyong kapangyarihan!”

Inangat pa siya nang inangat ng mga ulap.

“Makikita ko na si Angela! Ang pinakamamahal kong anino!”

Sa mga sandaling ito ay nakadipa at nakati­ngala sa langit si Nanette. Naluluha siya sa kaligayahan.

Habang nakatingin sa kanya ang nagtatakang si Arturo. “Nanette? Okay na ba si Ariel kaya ka nagkakaganyan?”

Tumigil sa pagdipa si Nanette, tumayo at nakangiti na.

“Oo, Arturo! Hindi na ako kailangang pumunta roon sa anumang paraan dahil walang ibang tumulong kay Ariel kundi ang tunay na Panginoon!”

Nakahinga nang maluwag si Arturo. “Salamat, salamat Diyos naming banal.”

Napatingin sa paligid  si Nanette.

Sa mga hayop na malayang lumalakad, tu­matakbo, nanginginain.

“Napakadakila talaga ng Diyos natin, Arturo! Tingnan mo nga, ang mga nilalang na ‘yan, nagpapatunay na ang buhay ay puno ng kahulugan!”

“Na kahit sa isang lugar ng kahirapan at kaguluhan, may mga biyaya!”

“Salamat na ikaw ang kasama ko rito, Arturo. Na nagsi-share tayo sa isang ganito kagandang experience … para na rin itong isang milagro!”

“Alam mo ba, Nanette … na may iba na akong nararamdaman ngayon! May ibang …”

“Landas na gustong puntahan?” Nakangiting nakatitig si Nanette sa lalaking tanging minahal.

“Alam mo? Nabasa mo ang nasa kalooban ko?”

“Oo. Arturo. Sa panahong ito na napakalakas ng puwersa ng kabutihan, ‘di ba sabi ko sa iyo na napaka­taas din ng level ng nararating ng aking kakayahang mula sa Diyos?”

“Alam mo na gusto ko nang …”

“Magpari? Na ang galing mo bilang engineer ay gagamitin mo sa pagpapaunlad ng komunidad ng kristiyanismo. Tumulong sa pagpapa-construct ng mga  simbahan, kapilya…”

“Yes, Nanette! Akalain mo, basang-basa mo na pala ako ngayon!” Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with