Camera ng Smartphones
Importante ang camera lalo na sa mga mahilig mag-selfie, mag-travel.
Kapag mataas ang megapixels, hindi ibig sabihin nito ay mas maganda ito.
Kailangan ding ikonsidera ang camera aperture, ISO levels, pixel size, auto focus, at iba pa para sa mas magandang image.
Ang 16MP camera ay ‘di nangangahulugang mas maganda sa 12MP.
Kapag mas mataas ang pixel, ibig sabihin, ang size ng image ay mas malaki na magiging mas malinaw kapag tiningnan sa maliit na screen.
Battery - Tumatagal ang baterya depende sa pag-gamit ng cell phone.
Kung heavy user, gumagamit ng apps, nagge-games, nanonood ng live stream at iba pa, hanapin ang cell phone na may 3500mAH battery o mas mataas pa.
Kung light user, okay na ang 3000mAh para sa maghapong paggamit ng cell phone.
- Latest