^

Para Malibang

Pangalawang Anino (538)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

“Oo, Arturo! Ramdam ko!”

“Pero akala ko ba ay panalo ngayon ang puwersa ng kabutihan kaya tiwala kang silang mga nasa bundok na banal o kahit pa si Ariel na umaakyat pa lang ay mas ligtas?”

“Aywan ko ba. Ibang klaseng halimaw ito, Arturo na kaharap na kaharap niya na lumusot lang mula sa mga siwang ng mga matutulis na bato sa katawan ng bundok na banal!”

“Nandidito tayo sa Nigeria, paano mo ngayon siya matutulungan. Kaya ba nating lumutang sa ulap para lumipad papunta sa Pilipinas?”

“Baka hindi, Arturo. Hindi ganoon kadali kung napakalayo. Pero, aywan ko ba, hindi ko pa rin naman nasusubukan. Baka kaya, matagal nga lang. Saka, kailangang magtiwala ako. Kasi mas matagal naman kung sa eroplano, kukuha pa tayo ng tiket, hindi natin alam kung makakakuha kaagad tayo ng maaga ang lipad.”

“Saka kung nanganganib na si Ariel, aabutan ba natin?”

“Bahala na. Maniniwala na lang tayo. Ganoon dapat ‘yon.”

SI ARIEL ay nililingkis na ng limang ahas na magkakasama sa isang higanteng katawan ng ahas.

“AAAAAHHHHH!”

Natural dahil nga tao lang, hindi niya nakontrol ang takot.

Sigaw lang nang sigaw. Nakakalimutan nang magdasal.

At iyon ang kailangan ng masamang puwersa sa pagkakataong ito. Mahina nga sila sa ngayon pero kapag ang kanilang bibiktamihin ay naunahan ng takot, hindi na nakakatawag ng Diyos … nagkakaroon sila ng panandaliang lakas.

Palapit na nang palapit kay Ariel ang limang ulo ng ahas. Manunuklaw na.

Biktima si Ariel ng panandaliang lakas ng puwersa ng kasamaan dahil sa kanyang matin­ding takot at pagkawala ng paniniwala.

Sabay-sabay, tinuklaw na siya ng limang ahas ng mga demonyo.

Tumirik ang mga mata ni Ariel dahil agad tumalab sa buong katawan niya ang kamandag.

Naparalisa muna siya kaya nakabitiw na sa mga kinakapitang bato.

At nalaglag siya sa banal na bundok. Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with