^

Para Malibang

Pangalawang Anino (510)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NANGINGISAY na nga ang makisig na ibon. Na walang iba kundi ang prinsepe ng kadiliman na nagbabalatkayong ibon makapasok lamang sa bundok na banal na hindi mahahalata nina Alona.

“Tuloooong! Inay Alona, Yawanaya! Ang ibon kooo!”

Nakarating kaagad si Alona. “Diyos ko po! Ano ang nangyayari diyan?”

“Angela, nasaktan mo ba? Nahulog mo?”

“Hindi. Hinawakan ko lang siya ng napakaingat kanina. Tapos ... tapos nagkakaganyan na siya!”

“Dali! Tingnan natin kung may sugat! O baka mainit! Kahit ibon siya, hawakan natin ang ilalim ng kanyang mga balahibo, mararamdaman natin kung mainit! Ang ibig sabihin pa rin noon tulad ng tao, may lagnat! May impeksiyon sa loob ng katawan!” taranta si Alona pero nakapag-isip pa rin.

Ginawa naman kaagad nila ang suhestiyon ni Alona.

“Wala siyang sugat, Inay Alona.”

“Wala nga rin po akong makita at makapa, Inay Alona.”

“At hindi naman siya mainit, dinama ko na ang ilalim ng kanyang mga balahibo.”

Wala na silang malamang gawin.

Ang prinsepe ng kadiliman ay totoong nanghihina na nga. Hindi na niya magamit ang kanyang kapangyarihan dahil wala na itong silbi sa bundok na banal.

“Dasalan na kaya natin? Kailangan na natin ang tulong ng Mabuting Diyos!” Nagsuhestiyon na si Alona.

“Dalhin na natin siya doon malapit sa kulu­ngan na banal, Inay Alona. May ginawa tayong altar doon kung saan nag-aalay tayo ng mga bulaklak sa Mabuting Diyos at doon talaga tayo nagdadasal nang mas matagal.”

“Oo, Yawanaya. Tamang suhestiyon iyan. Sige, gawin na natin.”

Si Angela ang maingat na humahawak sa makisig na ibon.

Padating na sina Alona at natatanaw sila ni Yawan.

Napakunot-noo si Yawan tapos napaismid.

“Ano ‘yan? Ibon? Bakit kayo natataranta diyan?”

“May sakit siya, Yawan. At gusto namin siyang gumaling. Napamahal na siya kay Angela, kawawa naman!” Sagot ni Yawanaya.

At maingat na inilapag ni Angela ang makisig na ibon malapit sa altar.

Lumuhod silang tatlo at nagdasal.

Ama naming nasa langit ...

At lalo namang nangi­ngisay ang ibon, mas lalong masama sa kanya ang dasal.

Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with