Benepisyo ng pag-donate ng dugo sa Red Cross
(Pang-masa) - July 22, 2018 - 12:00am

Kung paano malaki ang naitutulong ng mga nakukuhang blood donation sa mga nangangailangan dahil nasasagip ang buhay ng ibang tao, marami ring benepisyong medical ang mga indibidwal na nagdo-donate ng dugo sa Red Cross.

Sa pag-aaral, ang mga pagbibigay ng dugo ay nagpapaganda sa kalusugan ng puso. Bumababa ang risk ng heart disease at heart attack dahil nababawasan ang nakabara sa daluyan ng dugo sa puso. Sa pag-donate ng blood ay agad na nai-improve ang overall cardiovascular health. Dahil nahahatak na bumaba ang dami ng cholesterol upang maprotektahan ang heart sa anomang sakit sa puso.

Ang katawan ng donor ay napapalitan agad ang nawalang dugo ng bagong blood cells. Mababa rin ang risk na ma-develop ang cancer. Napapanatiling malusog ang liver. Nabi-burn ang calories, at iba pa.

Ayon sa Health Psychology ay mas humahaba ang buhay ng mga taong nagdo-donate ng dugo sa rami ng mga medical benefits gaya rin ng pagbaba ng oxidative stress sa blood vessels. Kung paano nakatutulong na madugtungan ang buhay ng ibang pasyente, .naisasalba rin ang iyong kalusugan at napapahaba ang sariling buhay.

RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with