^

Para Malibang

Pangalawang Anino (504)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NANLAKI ang mga mata ng tatlo. Alona, Yawanaya at Angela.

“Gising ka na, Yawan!”

“Ang ganda-ganda mo! Sariwang-sariwa ang ganda mo, very pure!”

“Oo nga, anak! Parehong-pareho pa rin ang mukha mo pero ibang-iba ang pagkaangat ng ganda mo, Yawan!”

Hinawakan ni Yawan ang kanyang pisngi, ang dalawa.

“Hindi na ako pi­ngas-pingas?”

“Hindi na nga! Kahit isang munting biyak sa mukha mo wala na, Yawan!”

“Paano ako guma­ling? Hindi ba ... naglaban kami ni Nanette?”

“Nawalan ka ng malay. At dinala ka ni Nanette rito sa bundok na banal. Dahil naniniwala siya na matutulad ka sa amin. Bumait na kami, Yawan. Saka nagbalik na kami sa dati naming anyo. Tingnan mo ang Inay mo, ang ganda-ganda na rin. Di ba dati, halimaw na siya?”

Manghang napatitig si Yawan sa ina. “Oo nga, Inay!”

“Ang bait-bait ng Diyos nila, Yawan!” Maluha-luhang sinabi ni Alona.

“Pero ako, puno ako ng galit kina Nanette at Arturo! Paano nangyaring ginamot pa Niya ako?”

“Ibig lang sabihin, Yawan ... siya ang dapat nating sambahin, dasalan.”

Hindi kaagad nakasagot si Yawan.

Tiningnan ang kinaroroonang kulungan.

“Pero bakit ako nakakulong?”

“Huwag kang mainip.  Makakalaya ka rin.”

“Pero gusto ko nang lumabas.”

“Maghintay ka lang, Yawan. Kusa namang bubukas ‘yan, e.”

Nanahimik si Yawan.

Naghintay.

Pero hanggang sa nainip.

“Niloloko n’yo ba ako? Anong makakalaya? Hanggang kailan ba ako maghihintay? Huwag ninyo akong ikulong dito!”

“Yawan, ginamot na Niya ang mga diprensya sa mukha mo, konting hintay lang ang gagawin mo, nagkakaganyan ka na?” Napapailing si Alona.

“Eh, paano kung hindi ito mabubuksan?”

At galit na pinag-uuga ni Yawan ang mga kahoy na rehas.

Pero hindi niya magalaw man lang.

“Bakit ganito ito? Kahoy lang di ko man lang mauga?”

Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with