Pangalawang Anino (503)
NA-INSPIRE ang prinsepe ng mga demonyo sa pangako ng hari na kapag nakuha niya si Angela sa bundok na banal ay papayagan siya nitong makalapit kay Nanette.
“Pero teka, paano ako lalapit doon, kilala na niya ako. Alam na niyang prinsepe ako ng mga demonyo.”
“Nabobo ka na ba? Nagagawa mo namang baguhin ang mukha mo, hindi ba? Puwede ka ngang manghiram ng mukha ng artista, e. O kaya, hiramin mo uli ang mukha ni Arturo.”
Napatango-tango ang prinsepe. “Puwede. Bakit nga ba hindi? Effective ako as fake Arturo noon kay Yawan, bakit naman ako hindi magiging effective kay Nanette?”
“Kunin mo muna si Angela sa bundok na banal bago ka mag-imagine na ng kung anu-ano diyan!”
“Oo, ama. At ihanda mo na ang pagpayag mo na makasama si Nanette dahil tiyak, makukuha ko si Angela sa bundok na banal.”
NAGBALIK ang pagiging madasalin ni Angela sa bundok na banal..
Masaya silang tatlo na nagdadasal, umaawit ng puro patungkol sa Diyos.
Nagli-lead ng rosaryo si Angela, marunong sina Alona at Yawanaya na sumagot.
“Our Father Who is heaven, holy is Your name ...”
“Hail Mary full of grace, the Lord is with you ...”
“Give us today our daily bread ...”
Ulirang nanay si Alona.
“O, kumain na kayo. Masarap na gulay ang niluto ko. May pinangat ding isda.”
“Inay Alona, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bait-bait na ninyo!” Masayang-masaya si Angela.
“Angela, maniwala ka na ... tatlong araw na tayong magkakasama, e!”
“Oo nga naman, Angela. Halika, kukurutin ko ‘yang braso mo!”
At kinurot nga ni Yawanaya ang braso ng unang anino.
“Aray”
“Masakit? Nasasaktan ka?”
“Para ring ikaw.”
“Nagiging tao ka na nga, unang anino.”
“Tulad mo, Yawanaya.”
“Bakit ako nandidito?” Gising na si Yawan, ang ganda-ganda na niya. Itutuloy
- Latest