Tuna macaroni
Hindi mawawala sa handaan ang pagkahilig ng mga Pinoy sa pasta dishes kabilang na ang macaroni salad.
Kani-kanyang recipe ang ilang mga nanay sa kanilang macaroni pasta.
Ngayong araw, ang tuna macaroni naman ang ating lulutuin. Bukod sa mura na ay masarap pa ito at pwedeng ipang-negosyo.
Ingredients:
1 lb. elbow macaroni
1½ cup Mayonnaise
12 oz. canned tuna flakes, drained
1 medium red onion, minced
1 cup shredded cheddar cheese
1½ teaspoons salt
½ teaspoon ground black pepper
10 cups water
Paraan ng pagluluto:
1. Iluto ang macaroni base sa nakasulat na instruction sa package nito. Haluin ito habang kumukulo para hindi magsidikit-dikit.
2. I-drain ang tubig at palamigin ang pasta.
3. Sa isang mixing bowl, paghalu-haluin ang tuna, mayonnaise, sibuyas, cheese, asin at paminta.
4. Pagsamahin ang macaroni at sauce sa mas malaking lagayan, takpan at ilagay sa ref.
5. I-share at i-enjoy
- Latest