_pang-masa
^

Para Malibang

Budget burger

BURP - Koko - Pang-masa

Narinig n’yo na ba ang Dapitan’s Best Coal Grilled Burgers?

Matatagpuan sa Dapitan street corner Halcon 1 sa Q.C. malapit sa Dapitan Arcade nakapuwesto ang hindi mo aakalaing sobra sa mahihilig sa grilled burgers. Simple lang ang kanilang puwesto.

Murang-mura ang kanilang burgers dahil siksik ito sa gulay at ma­ging ang burger patty na sinusumpa nilang 100% pure beef.

Mayroon silang limang size ng burgers. Ang kanilang quarter pounder ay nagkakahalaga ng P50, ang half pounder at double quarter pounder ay parehong P100, tap out na sinlaki ng plato P150, at ang double tap out na nagkakahalaga ng P290.

Ang maganda pa sa kanila, bagong luto lagi ang tinda dahil made to order ang mga ito kaya naman napakainit nito habang inyong kinakain.

Ang tap out ay higit 1lb. siguro ang timbang na punum-puno ng lettuce, sibuyas, kamatis at cheese. Hindi talaga tinipid sa ingredients ang kanilang burgers kaya dito pa lang ay sulit na ang pera mo. Maging ang burger bun na ginamit ay masarap at hindi maaligasgas tulad ng ibang mumurahing burger.

Moist ang burger patty nito. Sabi pa ng ibang nakatikim na ay kalasa raw ito ng In-N-Out burger ng U.S. Ang gulay ay fresh at may “crunch” pa.

Uso ngayon sa mga negosyong pagkain ang business ngunit iilan lang ang pumapatok dahil sa kanilang naiibang lasa.

BURGER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with