^

Para Malibang

Propesor na Fil-Chinese artist ‘di matahimik

MRYOSO - Pang-masa

Taong 2000 nang ku­ma­lat ang balitang pagpapakamatay ng isang pro­pesor sa isang sikat na unibersidad sa Manila.

Isang Filipino-Chinese artist na nakilala dahil sa kanyang galing sa pagpi­pinta at paggawa ng tula.

Naging propesor siya sa edad na 28 sa nasabing unibersidad, at kilala siya nang lahat bilang masiyahin at madasaling guro.

Ginulantang na lang niya ang lahat nang big­la siyang tumalon mula sa ika-pitong palapag ng nursing building. Simula noon, hindi na natapos ang mga ispekulasyon at haka-haka tungkol sa kanyang pagkamatay.

Sinasabing nabuntis siya ng kanyang nobyo at hindi pinanagutan, napansin daw kasi ng iba ang mga obra niya na madalas ay mag-ina ang mga nakapinta. Sabi naman ng iba ay aksidente lang ang pagkakahulog nito.

Isang insidente ang nag­papatunay na hindi matahimik ang kaluluwa niya.

May isang babae raw ang pumasok sa silid ng first year nursing students noon at nagpakilala gamit ang pangalan ng propesor, nagpaalam daw ito agad sa kanila at naglaho ng parang bula.

Nang kanilang tanu­ngin kung sino ito, halos namuti na ang kanilang mga mukha sa takot nang malaman nilang matagal na pala itong patay.

Madalas din daw ­siyang magpakita sa ele­­vator na sumasabay, sa hallway, library, at sa chapel na madalas ­niyang pagdasalan noong nabubuhay pa siya.

vuukle comment

FIL-CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with